THE RANDOM PERSON

Bonjour Monde! I'm Nice! J'ai vingt ans. L'etudiante. Celebataire.


I'm not random, I'm just... Oh my god there's a bee! :))

RANDOMLY GET CURIOUS?
TEXT

Naliwanagan na ko kung bakit matapos ang halos magii-isang taon eh bigla ka nalang nakipagkita nung gabing iyon.


Kinuwento ko sa friend ko ang lahat ng mga nangyari. At eto ang sabi niya.


“Pwede kasi na gusto lang na may girlfriend pero di siya seryoso sa’yo ganon. Alam niya lang na gusto mo pa sya kaya go siya. O kaya feeling ko chine-check nya lang kung may pumalit na sa kanya sa buhay mo ganon. May ganyang pride eh.”


Eh may trabaho ka na eh. Iba na mundo mo. Bat lumalambing-lambingan school of acting ka nung gabing yon tas biglang magdi-disappear at di magpaparamdam after? Ano yon? Epal ka talaga. Ano yung sinasabi mo na pinag-usapan natin dati nung tayo pa? Void na yun kasi wala na tayo ngayon, duh! Napag-usapan my ass. Di ko matandaan yun. Paasa ka talaga! Alam kong bored ka lang non kaya ka nakipagkita. At gusto mo lang magyabang sa condo at trabaho mo. In short, mga narating mo nung nawala na ko sa buhay mo. LETSE! Naglinis pa ko dun at inamoy yung mga polo at long sleeves mo. Haaaay, hindi na ko sanay sa itsura mong naka-corporate attire. Dati lang tsinelas, shorts at shirt. Lalo kang pumogi. *Kilegs. ERASE. ERASE. Kahit naging hot ka pa lalo kaka-gym, hindi ko hahayaang maging second option o pang back-up lang. Kaya wag mo kong itext kung bored ka lang! Manigas ka! TSE! (Pero kung seryoso ka talaga saken, sige paramdam ka lang.HIHI. Binawi? HAHA. Kay tagal din kita hinintay kung alam mo lang.)

3 notes
  1. jonrimanuel said: SHET TEH! NAUBO AKO DITO! :))
  2. panice posted this